Peso RateWeatherPhilippines TimeJoin Our Mailing List

Kulturang Kalye

Sayang talaga't 'di kami nakapunta nang maaga. Kada taon kasi, nagtataka ako kung bakit biglang isinasara 'yung Visayas Avenue at nagkakaroon ng street painting contest.

'La pa 'ko alam nu'n e, 'kala ko parang project lang ng city hall o ano, pero nung mapunta ako sa NCCA, nalaman ko nang bahagi pala yun ng celebration ng National Arts Month.

Huh? May Natioal Arts Month pala tayo? Well, nagulat din nga ako e, pero nung paalis na ako sa NCCA, ayun, busy na sila sa preparasyon at paglo-launch. Di ko naman masasabing kulang ang campaign nila, pero alam naman natin kung gaano kalakas ang boses ng pop culture, di ba? Anyway, di rin ako sigurado kung kelan nagsimula yun. Umm, ayan, malilintikan ako kay Mang Boy, trabaho ko dapat maghalukay ng data tungkol dun e, hehehe, pero malamang nakatabi yung history nun sa isang diskette na iniwan ko sa opisina. Si Cory Aquino yata ang nagdecree nun.

Ibig ko kasing sabihin, grabe, nung elementary't high school pa ako, may UN month, may Linggo ng Wika, pero di kami nagse-celebrate ng Arts Month pag Pebrero; Valentines day lang, at oo, bata pa ako kaya panahon na ni Tita Cory nun. Yung mga utol ko sa elementary, hindi rin yata nag-celebrate, although lagi silang late nang isang oras sa dismissal dahil daw nagpapraktis ng sayaw. Nakanamsiomai, linggo-linggo may sayaw, ewan kung related sa Arts Month yun.

Basta ayun, ang punto ko, ang Arts Month ay isang celebration na, err, underexposed, pero hindi kasing-underexposed ng Balagtas Day. Huh? Meron ba nu'n? Well, yep, meron, tuwing April. O di ba? Marami ka talagang matutunan kapag nagtrabaho ka sa NCCA. Sabi nga ni Reitch, You learn something new everyday!!!

So pagkatapos ng isang mahabang pag-digress, (Sorry a, sakit ko 'to talaga kapag informal ang sinusulat...) err, ayun, aware na ako sa Arts Month celebration, although hindi ko narinig yung magandang boses ng head ng Public Affairs Division namin sa radyo na nag-a-advertise ng celebration. Biniro kasi ni Mang Boy isang araw, sikat na si Bams!!!

Anyway, bahagi ng celebration ng National Arts Month ang Kulturang Kalye, kung saan may masasayang happening sa Visayas Avenue tuwing Sabado ng Pebrero, usually mga banda, film showings, etc. Ngayong taong ito, di ko napuntahan lahat. Well, kamuntik na.

Err, naririnig kasi ng tatay ko yung tunog ng speaker mula sa event. Walking distance lang kasi kami mula Visayas Av, as in siguro kapag nilakad mo ang bahay namin hanggang Visayas Av, pagkatapos mong mag-eat-all-you-can, hindi ka pa aaatakihin ng appendicitis, kahit na siguro takbuhin mo.

Kaya isang hapon ng Sabado, nagyaya ang tatay ko pumunta dun. Nung naunang gabi kasi, nagdonate ako ng dugo, at umuwi ako nang madaling araw, tapos umaga kinabukasan, may meeting ako sa Robinson's Manila. May sariling kuwento ito. Anyway, nang makauwi ako mula sa meeting nang tanghali, bagsak ako sa kama, at nagising ako nang alas-singko. Medyo kulang pa ako sa tulog, pero ayun. Nagyaya na nga tatay ko. Mahilig kasi sa mga concert yun e, palibhasa jeproks. Nagdedate yun dati ng nanay ko pag anniv nila sa Club Dredd. Tsk-tsk, weird.

So nagpantalon na ako, at nagsuot ng sandals. Kasama yung isang utol ko, nilakad na namin. Pagdating dun, sa isang bakanteng lote along Visayas Av, nakaset-up ang ilang upuan at isang malaking screen. Mukhang may film showing. Bad trip. Banda ang inaabangan. So balik na kami. Tapos biglang nagsalita yung lalaki sa speaker, pero malabo kaya di namin na-gets. Tumayo na lang muna kami sa sidewalk, naghintay ng announcement kung may banda o wala. Medyo matagal. Natakot pa nga yata yung driver ng FX Taxi na nakatigil sa tabi, akala yata hoholdapin namin kaya kumaripas ng takbo nung tumambay kami. Dami kasi holdaper sa lugar na 'to.

Kaso, panay test-mike-test-mike, kaya umuwi na lang kami, tapos nag-inuman ng San Mig Light. Hilo ako agad, grabe, nakatulog ako ulit.

Kinabukasan, eto, Februar 23, sarado ang Visayas Av, may street painting session. Nung hapon na, narinig na naman namin yung tunog ng speaker, pero ngayon, may kumakanta na! So eto, labas ulit kami. Yung utol ko, nagsuot pa nung reggae bonnet niya o kung ano man ang tawag dun, ako Mao Cap lang.

Pagdating dun, may stage na nakatayo sa tapat ng Balay Kaldingan, tumutugtog ang The Jerks. Astig! Siyempre, nandun si Chikoy Pura, tapos habang kumakanta-kanta siya nung Reklamo may mascot sila sa stage na nakasuot ng Gas Mask at Air Force Pilot na costume. Habang nanonood yung mga kasama ko sa performance, nakatingin naman ako sa magandang likod ng cute na chik sa harap ko. Aw, putsa, may jowa na pala! Damn!

Kinanta ng The Jerks yung He Said err, nakalimutan ko yung title ng kanta, pero ito yung kanta na may lyrics na Don't believe what he says... Don't believe what he says..., pero binago nila yung lyrics ngayong gabi, naging She imbis na ;He. Hmmm...

Napatingin ako sa paligid ko, maraming taong nakatayo't nanonood. Ang nakakatuwa, hindi ito yung usual crowd na makikita mo kapag may ganitong tugtugan. Madalas kasi, makikita mo yung mga artsy-crowd, o mga estudyante, o mga tibak. Ngayong gabi, ayun, mga ordinaryong tao--mga jologs, tambay, pamilya, tindera, tricycle driver at mga pinsan nila, etc. Gandang tingnan, men, sining para sa masa, okay na sana nang biglang mangawit yung tuhod ko sa kakatayo.

Pero mukhang hindi lang ako yung nangawit, nagyaya kasi yung tatay ko dun sa bandang sidewalk kung saan naglabas ng mga mesa't upuan yung Balay Kaldingan, kaso puno na, wala nang maupuan. Kaya dun na lang kami sa labas nung Balay tumayo, sa may entrance. Medyo mas mataas kasi, at mas kita ang view ng stage sa kabilang side ng avenue. Nakatambay nga pala sa loob si Conrado de Quiros, grabe, mas mukha pala siyang bata sa litrato niya sa column niya. Maya-maya dumating si Jess Santiago, mukha pa ring lola; si Cookie Chua, pumayat daw sabi ng tatay ko, at si Kuya Bodjie!!!

Umakyat sa stage si Bobby Balingit at Alfred Guevarra, akala namin The WUDS ang tutugtog, yun pala, ibang lineup nila ngayon, ano sila, Juan Isip. Umorder ng tatlong beer yung tatay ko para sa amin, kaso pale pilsen lang ang meron, walang light. Putsa, naisip ko, bigla akong napatingin sa tiyan ko. Umm, sige na nga, sabay laklak pag-abot ng bote.

Intro ni Bobby Balingit, itong kakantahin daw nila, Tagalog version ng isang sikat na kantang Italyano pagkatapos ng WW2 tungkol sa Maynila. So kanta na siya, mellow... ...naalala mo PA BA (!) ang mga BULAKLAK (!) ...

Syet, bakit siya galit? Napapangiti na lang ako, hehe, astig pa rin yung mga sudden na paggaralgal ni Bobby Balingit, parang The WUDS!!! Teka, siya rin pala ang bokalista nun, may tama na ba ako?

Mula sa kinatatayuan ko, nakikita ko kung gaano kalaki yung madlang nanonood, ayun, mga pangkaraniwang tao pa rin, at hindi yung usual alternative crowd ek-ek, tapos bigla akong kinagat ng langgam sa paa ko--NAKANANGTOKWA!!! sabay kamot. Lintek, may bahay pala ng langgam dun sa tinatayuan ko kaya lumipat ako ng puwesto nang kaunti, sinigurado ko siyempre, na semento na yung inaapakan ko.

Anyway, ayun, habang gumagaralgal si Bobby Balingit, inoobserbahan ko yung madla-- mga magbabalut, magsyota, pamilya, jologs, tapos may naglalakad na cactus...Eh?!!

Napaubo ako bigla habang lumalaklak. Napatingin ako sa bote ng pale pilsen sa kamay ko. Putsa, nakakaisa pa lang ako a...

Ayun, may gumagalang cactus sa madla, nakasuot pa ng shades, tapos may karatula siyang nakasabit na Make Love not War. Hehehe, sinusundan ng mga bata habang tumatakbo-takbo. Cool!!!

Maya-mayang konti, may umakyat na lalaking may makapal na buhok sa stage, makiki-jamming daw sa Juan Isip. Si Popong Landero. Ayun banat sila ulit--

Pinas lang ang aking bayan... 'Pinas lang ang aking bayan... PINASLANG ANG AKING BAYAN!!!

Astig na sana yung lyrics, kaso nung lumaon, parang nag-iimbento na lang yata ng tono si Popong Landero. Anyway, sa bandang paanan ng stage, kita mula sa tinatayuan ko, may nag-i-slam dance. Tsk, grabe, hindi talaga mawawala. Ayun, may lalaking tumatalun-talon dun, sabay pirouette at sway ng kamay sa... PIROUETTE!?

Putsa, ipinatong ko sa tabi ko yung bote ng pale pilsen kong naubos ko na, at ayoko nang uminom ulit nung gabing yun. Pero, duh!? Ano nga naman bang klaseng slam dance ang i-e-expect mo sa isang tugtugang peace ang ina-advocate at hindi violence? Wow, nakakapag-rationalize pa ako, di pa ako lasing!

Nung bumaba yung Juan Isip, pumalit naman yung Nancy Drew. Habang nagseset-up sila, may inannounce na nagbebenta raw yung organizers sa booth nila ng CD ni Amado Hernandez. Bumulong sa akin tatay ko, bili raw kami ng isa mamaya.

Napansin ko yung isang lalaki sa bandang unahan ko, nakasuot ng Kulturang Kalye na kamiseta. Text agad ako kay TJ, baka namimigay pa ang NCCA, o baka may surplus pa, baka puwedeng maka-score. Anyway, di ko maalala yung title, pero astig yung unang tinugtog ng Nancy Drew.

Pagkatapos ng set nila, Imago na ang susunod. Nagpunta kami sa booth malapit sa stage, at bumili ng CD yung tatay ko. Di ko na nakita yung CD ulit, sinolo na nung tatay ko. Anyway, pinapirma kami sa isang nakasampay na tela, parang freedom wall, err, cloth ek-ek.

Ngayon, medyo mas malapit na kami sa stage kaya kita na namin yung Imago. Napansin nung utol ko yung nasa Congo drums (Hehe! Congo Drums! Di makahinga sa katatawa si Reitch kapag nakakita ng Congo Drums!), sabay bulong sa akin, Kuya, di ba yun yung lalaki sa Roam?

Ay, oo, siya yun. DJ sa NU yan e! Yung tuwing umaga...

Ay siya ba yun? Yung nag-uusap tuwing umaga?tanong ng tatay ko, Salita nang salita yan, di naman alam yung sinasabi, kaya natatawa ako diyan pag umaga!

Oo, naaalala ko yung episode dati, pinag-uusapan nila yung mga lumang gulong na ginagamit na artificial reef sa dagat, sabi niya hindi dapat ginagawa yun kasi masama raw.

Bakit daw masama?

Kasi kapag sinunog mo raw yung gulong nagre-release daw ng harmful chemicals.

At siyempre, pareho ng reaksiyon yung kausap niyang DJ at yung mga kasama ko.

Napatingin yung tatay ko sa relo niya, medyo gabi na, ihahatid pa niya sa school bukas yung mga bata. Sayang, hindi namin naumpisahan, di rin namin natapos.

Habang naglalakad kami pabalik, tinugtog ng Imago yung Bilanggo ng Rizal Underground, di ko na nakita ulit yung gumagala-galang Cactus (lakas mag-trip ng mga peaceniks!).

 

Add comment


Security code
Refresh

 

bisaya, cebuano, cebuano lessons, bisaya lessonsRomantic Tagalog

 
 
 
Copyright © 2017 Living In The Philippines. All Rights Reserved.